Blk. 7 Lt. 21 Spring Green Village
Bucal, Tanza, Cavite
Setyembre 16, 2014
Dear Lahat ng Dinastiya ng Tsina,
Nais kong magpasalamat sa inyo
dahil sa mga nagawa niyong tulong sa amin hanggang ngayon sa kasalukuyan.
Salamat sa lahat ng mga bagay na naiambag ninyo sa amin na hanggang ngayon ay
ginagamit pa rin namin. Dahil sa mga
bagay na naganap sa inyo masama man o mabuti ay kinapulutan namin ng
aral at dahil doon ay mas naging handa kami upang harapin ang mga problema man
o magagandang karanasan. Ang inyong dakilang dinastiya na hanggang ngayon ay
buhay pa at mas tumatag ay nagturo sa amin ng iba’t ibang kaalaman na naging
sanhi sa mas malawak na kaalaman at pag-unlad pa tulad ng mga paniniwalang
Confucianism, Taoism, Legalism at iba pa. Salamat din sa inyong naging
Emperador dahil sila ang nagdala ng pag-unlad at nagpapatunay sa “Mandate of
Heaven.” Ang itinayo ninyong “Great Wall of China” ay isa nang pambansang
atraksyon ngayon at tuluyan pa ring dinadayo ng mga turista.
Maraming salamat muli at
sana’y tumagal pa ang inyong nakaraang dinastiya at umunlad pa lalo ang inyong
pamumuhay.
Muling Nagpapasalamat,
Carlos Giomeldfrey A. Convento